CCkb?

concerned citizen ka ba? nakakaasar kasi yung mga kunwaring concerned citizen eh… yung tipong concerned ka sa bansa kapag meron ka lang kailangan. babaan ang gas, toll gate, pension, sweldo, lupa, natural resources. pero matapos mo makuha ang gusto mo, madali mong nakakalimutan ang sinilangan mo. nawawala na ang pagiging concerned citizen, nagiging shitty-zen na. ipagyayabang, ipagmamalaki na kung ano yung nakuha sa bansa kasabay nito ang paglimot dito. shitty-zen talaga. kuno-kuno lang. akala mo kung sinong concerned citizen,  pero ang totoo wala talagang pakialam. words. words lang ika nga. ganyan ang ilan sa mga kumakampanya diba. pare-pareho. walang pagbabago. “kung talagang concerned citizen ka, gawin mo na lang kesa sabihin mo.”

hindi yung kesyo ganyan, kesyo ganito. “eh ano ngayon kung ganyan ka, eh nasaan pagiging tao mo? ” mga tanong na dapat sinasabi sa mga concerned citizen kuno ni Perlas ng Silanganan. tablan ka naman. :)

12 Oct 2011 / / / http://tmblr.co/ZJEuQyAavYuO